3 bata nawawala sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2018 08:09 AM

MANILA - Tatlong grade 4 pupil sa bayan ng Limay, Bataan ang iniulat na nawawala simula pa noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga nawawala na sina Fhemedee Mangiliman, 9-taong gulang; Mary Chris Escalera, 9 taong gulang at Rosemarie dela Peña, 10 taong gulang.

Ayon kay Rene Mangiliman, ama ng isa sa 3 bata, naalarma sila nang hindi makauwi ang mga bata kahit pasado 5:00 p.m. na.

Ayon sa principal ng eskwelahan na si Arlene Vallejos, isang kinder pupil ang tinangka umanong kidnapin sa kanilang eskuwelahan noong Hunyo, pero hindi pa makumpirma kung posibleng ganito rin ang nangyari sa 3 bata.

Inireport na sa pulisya at lokal na pamahalaan ang pagkawala ng mga bata.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.