Mga pribadong eskuwelahan sa Marawi, umapela ng tulong sa pamahalaan

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2017 11:13 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hiling sa pamahalaan ng mga pribadong eskuwelahan sa Marawi na agad na maayos ang mga nawasak na paaralan.

“The owners just want the government to listen to us also and to look into us, consider us that we are also victims,” ayon kay Dayalyn Tingaraan, may-ari ng Sen. Ninoy Aquino College Foundation.

Nasa 16 pang pribadong eskuwelahan sa main battle area ang hindi na mapapakinabangan bukod sa Sen. Ninoy Aquino College Foundation kaya naman humihingi sila ng tulong sa pamahalaan para maipagpatuloy ang edukasyon bago pa malihis umano sa terorismo ang mga kabataan.

Magsisimula sa Lunes ang post-conflict assessment ng gobyerno para mailista ang mga kinakailangang maitayo sa ground zero.

Sa Disyembre naman nakatakda nang lumipat ang may 500 pamilya sa temporary shelters.

“Gusto natin siguraduhin na on target ang DPWH (Department of Public Works and Highways). So OK naman, nakikita niyo naman po na full blast na po ang construction dito,” ayon kay DPWH Secretary Mark Villar.

Gerald Anderson, bumisita

Samantala, bumisita sa mga evacuee ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson Sabado.

 

A post shared by Gerald Anderson (@andersongeraldjr) on

“Masaya kasi ang dami kong nakilala na mga iba’t ibang klaseng sundalo at nagbigay tayo ng masayang moment sa mga ibang refugees, evacuees. Tayong mga civilian, panahon natin ito para tayo naman ang magtulungan at i-rebuild natin ang Marawi para sa kanila,” ani Anderson.

Ipinakita rin sa kaniya ang ilang bahagi ng warzone at nakisalo pa ang aktor sa tanghalian ng mga sundalo at rescuer na tumulong para mapalaya ang Marawi.

-- Ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.