2 sugatan sa banggaan ng sasakyan at motorsiklo sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2017 02:09 PM

MANILA- Dalawa ang sugatan sa banggaan ng isang sasakyan at motorsiklo sa Sumulong Highway, Antipolo City nitong Sabado ng umaga.

Dinala sa ospital ang drayber ng motorsiklo na si Marvin Adarayan samantalang nagtamo naman ng kaunting galos ang drayber ng Toyota Avanza na si Marietta Cabarios.

Ayon sa enforcer na si Felipe Lawis, hindi umano pagbibigayan sa daan ang naging sanhi ng aksidente.

Pakaliwa na umano ang sasakyan nang subukan ng motorsiklo na sumingit sa kalsada.

Bumigat naman ang daloy ng trapiko sa lugar dahil sa nangyaring aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.