TINGNAN: Mga pananim sa Ormoc hinagupit ni 'Marce'

Melanie Bingco, ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2016 12:47 PM

ORMOC CITY, Leyte - Tumambad sa isang magsasaka ang pinsala sa kanyang nga pananim matapos maramdaman ang malakas na hanging dulot ni Bagyong Marce Huwebes ng gabi.

Natumba ang ilang puno ng saging gayundin ang aanihin sanang mais sa susunod na buwan.

Sa ilang kalsada nagkalat din ang ilang sanga at mga dahon.

Hindi naman kinansela ang klase sa mga eskwelahan pero nasuspinde pa rin ang biyahe ng mga sasakyang pandagat kasama na ang mga fastcraft at barko papuntang Cebu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.