PatrolPH

A1, A2, A3 category sa QC umpisa na ang pag-schedule ng booster shot

ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2021 12:02 PM | Updated as of Nov 24 2021 12:03 PM

Tumanggap ng booster shot ng COVID-19 vaccine ang ilang health worker sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City nitong Nobyembre 17. ABS-CBN News
Tumanggap ng booster shot ng COVID-19 vaccine ang ilang health worker sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City nitong Nobyembre 17. ABS-CBN News

MAYNILA— Maaari nang magpa-schedule ng COVID-19 booster shot sa Quezon City simula ngayong Miyerkoles ang mga health worker, senior citizen at mga may comorbidity.

Sa abisong inilabas ng lokal na pamahalaan, maaari nang mag-book ng appointment sa QCVaxEasy webpage ang mga nasa priority group na A1, A2 at A3. 

Sa ngayon anila ay AstraZeneca ang available na booster shot sa lungsod.

Mahigpit na ipinagbabawal ang walk-in sa mga vaccination site.

Sa araw ng pagpapabakuna ng booster shot, dapat ding dalhin ang valid ID at vaccination card. 

"Pumunta lang sa inyong vaccination site 15 minuto bago ang inyong schedule upang maiwasan ang pagsisiksikan at mapanatili ang minimum health and safety protocols," anila sa isang Facebook post. 

Ang mga nasa A3 category o may comorbidity naman ay dapat magdala ng medical certificate. 

Nasa 3.8 milyon na ang nabakunahan kontra COVID-19 sa lungsod.

RELATED VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.