P13-M halaga ng 'shabu' nasamsam, 3 suspek huli sa Bacolod drug bust

ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2020 01:04 PM

Aabot sa P13 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation sa Bacolod City noong Nobyembre 23, 2020. Retrato mula sa Philippine National Police Drug Enforcement Group

Higit P13 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa 3 taong naaresto sa buy-bust operation sa Bacolod City gabi ng Lunes, ayon sa pulisya.

Kabilang umano sa mga nahuli ng Philippine National Police Drug Enforcement Unit sa operasyon ang 2 babae at isang lalaki.

Nangyari ang operasyon sa may Barangay Singcang Airport bandang alas-6 ng gabi.

Nakuha sa 3 suspek ang nasa 2 kilo ng hinihinalang shabu, na nilagay sa bote ng mga gatas.

Itinuturing umano ng mga awtoridad na "big-time" suspects ang mga nahuli, na mahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.