MAYNILA - Kumakalap ngayon ng donasyon ang isang grupo ng manunulat para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses lalo na sa mga lalawigan ng Isabela at Cagayan.
Ayon kay Anie Asuncion, nabuo ang konsepto ng donation drive na tinawag nilang “Project Basa” matapos manalasa ang bagyong Ulysses.
“Nagkamustahan kaming magkakaibigan, sabi namin why not magkaroon ng donation drive na pamamagitan ng ‘Project Basa’, sa kada basa may pag-asa which is kapalit ng ido-donate ng mga donors ay e-book na naglalaman ng mga stories na sinulat mismo ng mga kaibigan namin,” sabi ni Asuncion.
Dagdag naman ni Shaira Janelle Saloma na ang e-book ay naka PDF format at madaling mabasa kahit gamit ang smartphones.
Bukod sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo, layunin din ng kanilang grupo ang ipalaganap ang pagmamahal sa pagbabasa, ani Saloma.
“Nung binuo namin 'yung Loststories PH, 'yun po ang advocacy namin na mag-promote ng local aspiring writers and, at the same time, mag-promote ng advocacy na ipagpatuloy natin 'yung passion ng pagbabasa talaga,” sabi ni Saloma sa parehong panayam sa TeleRadyo Martes ng umaga.
Sa kahit magkanong halaga ng donasyon, makatatanggap ang bawat donor ng e-book na pinamagatang “Halo-Halo: Mga kuwentong hindi pang-Summer.”
Para makakuha ng kopya, kailangan lang nilang mag-message sa Facebook page ng LostStories PH ng katibayan ng kanilang donasyon at email address kung saan ipadadala ang e-book.
“Kakasimula pa lang po namin. Sinusubukan namin ma-widen reach namin para din sa mga kababayan natin sa Cagayan at Isabela. Sa ngayon po konti pa lang po. Pero we're still hoping kahit konti, malaking tulong po yan,” sabi ni Saloma.
Maaring mag-donate sa mga sumusunod na account:
GCash : 09051980558 - Frederick Capinpin
Paymaya : 09185079941 - Maria Anie Asuncion
BDO : SA 005010406714 - Shaira Janelle Saloma
RELATED VIDEO:
Project Basa, donation drive, Bagyong Ulysses, Cagayan, Isabela, TeleRadyo, public service, Lingkod Kapamilya