Robredo sinibak bilang co-chair ng anti-drug body

ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2019 07:49 PM

MAYNILA — Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo mula sa posisyon nito bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Illegal Drugs (ICAD), sabi ngayong Linggo ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ang ICAD ay isang komiteng binubuo ng iba-ibang ahensiya para labanan ang ilegal na droga,

Tinanggap ni Robredo noong Nobyembre 6 ang posisyong co-chairperson matapos siya italaga roon ni Duterte sa pamamagitan ng isang sulat noong Oktubre 31.

Wala pang 3 linggo si Robredo sa posisyon bago ito tinanggal sa puwesto. 

Hindi pa nagbibigay ng dahilan ang Palasyo kung bakit sinibak sa puwesto si Robredo. -- May ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.