PatrolPH

'Para sa GF': 3 lalaki kulong matapos mamitas ng sunflowers sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2019 10:06 PM | Updated as of Nov 25 2019 06:25 AM

Watch more on iWantTFC
ILOILO CITY — Sa kulungan ang bagsak ng 3 lalaki matapos nilang pitasin ang sunflowers na itinanim ng lokal na pamahalaan ng Iloilo City.

Sabado nang mahuli sa akto ng mga tauhan ng Iloilo City local government unit (LGU) ang mga suspek na sina alyas "Rene," "Markus," at "Makoy."

Aminado sina Rene at Markus na ibibigay nila sa kanilang "special someone" ang mga pinitas na bulaklak.
Sabi pa ni Markus, magtatanim na lang siya ng mga halaman kapalit ng kaniyang paglaya.

Si Makoy naman, itinangging pinitas ang mag sunflower, bagkus ay kusa umano itong nalaglag kaya niya kinuha.

Nahaharap sa kasong malicious mischief ang 3 lalaki.

Dating bakanteng lote at tapunan ng basura ang lugar bago tinaniman ng LGU ng mga sunflower.
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.