Lalaki nahati ang katawan nang magulungan ng truck

ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2019 01:40 PM

Nagkahiwa-hiwalay ang ilang bahagi ng katawan ng biktima. Screengrab

Napatay ang isang lalaki matapos makaladkad at magulungan ng isang dump truck sa bayan ng Reina Mercedes, Isabela noong Sabado.

Nakasakay sa likod ng driver sa tricycle ang biktimang si Jordan Langdon nang mabangga ang kanilang behikulo ng isang dump truck na nawalan ng preno, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

Nahulog si Langdon sa kalsada dahil sa lakas ng pagbangga, at nakaladkad at nagulungan ng dump truck.

Nagkahiwa-hiwalay ang ilang bahagi ng katawan ng biktima.

Dahil sa insidente, sumalpok din ang tricycle sa kasalubong na van at isa pang tricycle.

Dinala sa ospital ang iba pang nasugatan sa nangyari.

Sumuko sa pulisya ang dump truck driver, na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries and damage to property.

-- Ulat ni Harris Julio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.