Modus ng salisi sa karinderia, iniimbestigahan sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2017 01:51 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Iniimbestigahan ng mga pulis ang tila sunod-sunod na kaso nang pangsasalisi sa ilang karinderia sa Taguig City.

Ayon sa kay "Jevelyn," noong Miyerkoles ay may tumangay sa kanyang cellphone sa kanilang karinderia ng malingat ang kasamahang nagbabantay ng tindahan.

Nang reviewhin ang CCTV ng barangay, kitang-kita ang isang lalaki na kaswal na pumasok sa karinderia at agad ding lumabas na may bitbit na gamit.

Isa pang karinderia ang nabiktima nang pananalisi noong nakaraang linggo, saad ni Senior Supt. Alexander Santos, hepe ng Taguig police, sa isang panayam sa DZMM.

"Last November 15, meron ding isang nagreport na nawalan ng cellphone habang kumakain sa isang karinderia bandang alas-6 ng umaga," ani Santos.

"Parang may pattern. Ang paborito niya atang tirahin mga karinderia," dagdag ni Santos.

Pinapunta na si "Jevelyn" sa himpilan ng pulis upang mas makapagbigay ng impormasyon na maaaring makatulong sa pagtunton sa 'di pa nakikilalang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.