PatrolPH

350 bahay nasunog sa Davao City

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2017 05:53 PM

350 bahay nasunog sa Davao City 1
Sumiklab ang sunog sa Sasa, Davao City nitong Biyernes ng umaga, Nob. 24, 2017. Chrislen Bulosan, ABS-CBN News


DAVAO CITY- Umabot sa 350 kabahayan ang nasunog sa Muslim Village, Kilometro Onse, Sasa nitong Biyernes ng umaga.

Mabilis na kumalat ang sunog na umabot sa ika-5 alarma at nirespondehan ng 7 firetruck. Bandang alas-3 na ng hapon nang tuluyang maapula ang sunog.

Agad namang lumikas ang mga residente dala-dala ang kanilang mga gamit. 

Tinatayang higit sa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog, kabilang na si Andrea Biuyo na sinabing wala siyang naisalbang mga gamit maliban sa telebisyon at ilang kilong bigas.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.