1 patay, 8 sugatan sa 2 aksidente sa Camarines Sur

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2017 03:53 PM

PAMPLONA, Camarines Sur - Isa ang patay, habang 8 ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente dito sa bayan, Huwebes ng gabi.

Pasado alas-9 ng gabi nang mahulog sa tulay sa Barangay San Isidro ang isang silver na kotse na may sakay na 4 na Indian nationals.

Base sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver na sa Navdeep Singh kaya dumiretso sa gilid ng tulay ang sasakyan.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang 4 na banyaga.

Sa aksidente naman sa Barangay Salvacion, patay ang driver ng isang SUV na si Levy Detera habang sugatan ang 4 nitong kasama, kabilang ang isang 11-anyos na bata.

Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ng sasakyan nang bigla itong umikot at bumangga sa isang bakod hanggang sumalpok sa puno ng sampalok.

Papunta sana sa Maynila ang sasakyan mula Sorsogon.

Naiuwi na sa Sorsogon ang labi ni Detera.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.