PatrolPH

Lalaki pinagsasaksak ang ka-live-in dahil umano sa selos

ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2022 08:46 PM

Dahil umano sa problema sa utang at sobrang pagseselos, nawala umano sa katinuan ang isang lalaki sa Laguna at pinagsasaksak ang kaniyang ka-live-in.

Arestado na ang lalaki, 27 anyos, at kinasuhan na ng murder.

Ayon sa report ng Liliw police, bandang alas-10 ng gabi noong Linggo nang pagsasaksakin niya ang kinakasama, 22 anyos, sa loob ng kanilang bahay.

Bago mangyari ang krimen, nagkaroon umano ng bangayan ang dalawa dahil sa selos hanggang sa sinaksak na ng lalaki ang partner nito.

Nagtamo ng stab wounds sa iba't ibang bahagi ng katawan ang babae at namatay rin habang ginagamot sa Nagcarlan District Hospital.

Ayon sa pamilya ng biktima, balisa ang suspek nitong mga nakaraang araw dahil problemado sa utang sa online sabong o pagtatalpak.

Nasa kostudiya na ng Liliw municipal police ang suspek.

—ulat ni Ronilo Dagos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.