PHILIPPINES - Idinaos ang hybrid seminar sa pagitan ng Pilipinas at Bangladesh noong November 17, 2022 na “50 Years of Diplomatic Relations Between Bangladesh and the Philippines: Achievements, Challenges and Potentials” na magkatuwang na inorganisa ng Embassy of Bangladesh at ng Asian Centre ng University of the Philippines sa Diliman.
Parehong nagpahayag ng matibay na bilateral ties at magkakatugmang international advocacies sina Philippine Foreign Affairs Secretary Enrique A. Manalo at Bangladesh Foreign Minister Dr. A.K. Abdul Momen.
(LEFT) PH Foreign Affairs Secretary Enrique A. Manalo at (RIGHT) Bangladesh Foreign Minister Dr. A.K. Abdul Momen
Ayon pa sa DFA, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nagbigay pahalaga sa soberanya ng Bangladesh nang makamit nito ang kalayaan taong 1971 at nang sumunod na taon, nasulyuhan naman ang diplomatic relations ng dalawang bansa.
Nagpasalamat din si Minister Momen sa Pilipinas sa ibinigay nitong “brotherly gesture” sa aktibong pagsuporta sa Bangladesh noong sumapi ang huli sa United Nations taong 1974.
Natalakay rin ang kahalagahan ng pagbibigay suporta at pagtutulungan ng PH at BD sa isa’t-isa tuwing may kalamidad o sakuna kabilang na ang pagtulong ng Pilipinas sa Bangladesh para sa mga biktima ng Cyclone Sidr noong 2007 at ang donasyong ibinigay ng BD at pagpapadala ng naval ship at medical team sa Pilipinas noong hinagupit ito ng bagyong Yolanda taong 2013. Binanggit din ni Sec. Manalo ang patuloy na pagkakaisa ng PH at BD sa sektor ng agrikultura, kalusugan at information and communications technology.
DFA Office of Asian and Pacific Affairs Deputy Assistant Secretary Maria Anna Lilia De Vera-Schinazi, Bangladesh Ambassador Borhan Uddin at UP Asian Center Dean Henelito A. Sevillla, Jr.
Ang hybrid seminar ay dinaluhan ng mga estudyante, miyembro ng academe at ng Bangladesh community sa Pilipinas.