PatrolPH

Lolong naaktuhang nakikipagtalik sa asawa ng iba patay sa bugbog

ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2021 02:33 AM

Patay ang 69-anyos na lolo matapos itong pagsusuntukin at tusukin ng kahoy sa mukha at ulo sa Barangay Matallucod sa bayan ng Sigay sa Ilocos Sur Linggo ng umaga. 

Ayon sa pulisya, nang dalawin ng suspek ang kaniyang misis sa kanilang bahay ay naaktuhan nito na nakikipagtalik ito sa biktima. 

Dahil sa sobrang galit ng suspek ay roon na pinagbubugbog at pinagtutusok ang mukha at ulo ng biktima gamit ang kahoy na mahigit 4 na pulgada. 

Nangyari ang insidente sa bahay mismo ng misis nito.

Dagdag ng pulisya, hindi na magkasama sa iisang bahay ang suspek at misis nito pero magkalapit lang ang tinitirahan ng dalawa. 

Inamin ng suspek sa mga pulis ang ginawang niyang pagpatay sa biktima. 

Nahaharap sa kasong pagpatay ang suspek na isang barangay kagawad.— Ulat ni Grace Alba

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.