'No. 6 most wanted' drug suspek sa QC arestado

ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2020 03:39 PM

Ebidensiyang nakuha sa buy-bust operation nitong Nobyembre 23, 2020 sa Barangay Payatas, Quezon City. Retrato mula sa Batasan Police Station.

MAYNILA — Naaresto sa buy-bust operation nitong madaling araw ng Lunes ang top 6 most wanted na drug personality sa Quezon City, sabi ng pulisya.

Sa ulat, kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek bilang si Noe Dormitorio, isang 36 anyos na truck driver na nahuli bandang 3:30 ng madaling araw sa Barangay Payatas.

Si Dormitorio umano ang ika-anim na drug personality sa listahan ng QCPD Drug Enforcement Unit.

Sa tulong ng intel information, naaresto ang suspek at nakuha sa kaniya ang 2 sachet ng shabu na may halagang P81,000.

Nakuha rin sa suspek ang boodle money, plastic na may lamang hinihinalang marijuana, at sasakyan, anang pulisya.

Nahaharap si Dormitorio sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC

— Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.