2 construction worker patay sa aksidente sa ginagawang gusali sa Quezon City

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2020 09:31 PM

MAYNILA - Patay ang dalawang construction worker habang sugatan ang isa pa matapos maaksidente sa isang ginagawang gusali sa Barangay Sto. Domingo sa Quezon City.

Kinilala ng La Loma Police ang mga nasawing biktima na sina Arnel Esquitado at Rex dela Rosa. Sugatan naman ang kasamahan ng mga ito na si Richard Gregorio.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang naglalagay ng beam at naghihila ng chain block ang mga biktima, nawala sa balanse at bumagsak ang metal boom na gamit ng mga ito dahilan para mahulog sa taas na 12 metro.

Naisugod pa sa hospital sina Esquitado at dela Rosa ngunit idineklarang dead on arrival. Agad namang isinailalim sa X-ray procedure si Gregorio.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.