Mangingisda patay matapos tamaan ng kidlat sa Negros Oriental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2019 10:55 AM

Patay ang isang 50 anyos na mangingisda matapos tamaan ng kidlat sa gitna ng dagat sa Dauin, Negros Oriental, Biyernes ng gabi.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangingisda si Rolando Dungog sakay ng kaniyang motorbanca nang bigla na lang siyang tamaan ng kidlat.

Agad siyang tinulungan ng kaniyang kasama sa kabilang bangka para dalhin sa tabi ng dagat.

Pero ayon sa pulisya, patay na nang madala sa tabing dagat si Dungog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.