Ilang kalsada sa Maynila, isasara para sa SEA Games

ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2019 11:57 PM

MAYNILA—Inabisuhan ang mga motorista nitong Sabado na magpapatupad ng traffic rerouting at may mga kalsadang isasara sa Maynila para sa gaganaping Southeast Asian Games.

Simula Sabado, Nob. 23, sarado ang north at southbound lanes ng Adriatico Street mula Quirino Avenue hanggang P. Ocampo sa Malate.

Dahil dito, may traffic rerouting sa mga kalsada sa paligid nito. 

Diretso sa Buendia papunta sa destinasyon ang lahat ng mga sasakyang nasa westbound lane ng P. Ocampo na galing sa Taft Avenue. 

Deretso naman sa Taft Avenue ang mga sasakyang nasa eastbound lane ng P. Ocampo na dadaan sana sa Adriatico. 

Sa Roxas Boulevard naman, diretso ang mga sasakyang nasa westbound lane ng P. Ocampo na pupunta sana sa Adriatico. 

Para naman sa mga nasa eastbound lane ng P. Ocampo na dadaan sana sa Adriatico, maaaring dumeretso sa Taft Ave. papunta sa destinasyon.

Gaganapin ang opening ceremonies ng SEA Games sa Nob. 30 sa Philippine Arena sa sa Bulacan, ngunit karamihan ng mga sport ay gaganapin sa Maynila.

—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
2019 SEA Games