Babae natagpuang patay sa ilog sa Camarines Sur

Trishia Mostoles, ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2019 08:18 PM | Updated as of Nov 23 2019 09:55 PM

SIPOCOT, Camarines Sur - Isang babae ng gusto sanang maging isang guro ang natagpuang patay at lumulutang sa ilog sa Barangay South Centro sa bayan na ito Sabado ng umaga.

Huwebes umano nang magpaalam sa ama ang 21 anyos na dalaga pero hindi na siya umuwi.

Idineklara siyang nawawala bago siya pinaghahanap mula Biyernes, hanggang nalaman na lang na nag-swimming ito sa ilog kasama ang kasintahan na babae rin.

Kumbinsido naman ang pamilya na walang foul play sa nangyari.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya. May impormasyong may pinagdaanang depresyon ang babae.

Labis na nalulungkot at nanghihinayang ang pamilya nito, lalo na't sa susunod na Linggo malalaman na kung pasado siya sa licensure exams para sa mga guro.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.