Pinaghahanap ngayon ng Manila Police District (MPD) ang mga salarin sa pamamaril ng isang Japanese national sa Malate, Maynila noong Nobyembre 8.
Sa kuha ng CCTV, bumaba ang biktimang si Masato Ogushi mula sa kaniyang condominium building sa Maynila at sumakay ng isang pedicab papuntang hotel.
Nang sumakay, makikita ang pagdating ng mga lalaking nakasakay ng motor.
Nang madikitan ng mga salarin ang pedicab, tumira na ang gunman at tinamaan ng bala sa leeg ang dayuhan.
Agad tumakas ang riding-in-tandem.
Namataan din umano sa hiwalay na footage ang dalawang hinihinalang pointer at lookout na naglalakad nang dire-diretso patungong Taft Avenue.
Ani MPD homicide division chief Rommel Anicete, posibleng away-negosyo ang pinag-ugatan ng krimen.
Dati na rin umanong inireklamo ang dayuhan dahil sa estafa.
Nanawagan ang MPD na ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang mga nakakakilala sa mga lalaki sa video.
-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, TV Patrol, balita, krimen, Zyann Ambrosio, Sapul sa CCTV, CCTV, pamamaril, estafa, homicide, away