ALAMIN: Mga aayusing kalsada sa Kamaynilaan ngayong weekend

ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2018 02:51 PM

Kukumpunihin ang ilang bahagi ng malalaking kalsada sa Metro Manila simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Nobyembre 23, ayon sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH). 

Matatapos ang road works alas-5 ng umaga, Lunes, Nobyembre 26. 

Narito ang mga apektadong lugar: 

SOUTHBOUND:

• C-5 Road sa tabi ng SM Aura (4th at 5th lane)
• C-5 Road bago mag-Pasig Blvd., C-5 flyover
• EDSA Scout Albano malapit sa Shell Gasoline Station (sa tabi ng sidewalk) at Scout Borromeo malapit sa GMA 7 (ikalawang lane mula sa sidewalk)

NORTHBOUND:

• EDSA sa harap ng Northstar Motor Corp. (sidewalk, unang lane)
• Batasan Road malapit sa CSC Central Office (ikaapat na lane mula sa gitna)
• Mindanao Avenue Mindanao tunnel hanggang Old Sauyo footbridge (trucklane)

Magkakaroon din ng restoration o concreting works sa mga sumusunod na lugar: 

• Quirino Highway (southbound) mula Mindanao Ave. hanggang Villa Sabina (unang lane mula sa sidewalk)
• Mindanao Avenue (northbound) mula Lukara St. hanggang Socorro St. (unang lane mula sa sidewalk)
• Road 10 (northbound) Visayas Ave. – Road 1 intersection (unang lane mula sa sidewalk)

Magkakaroon naman ang Manila Water ng restoration sa ilang bahagi ng C-5 Road southbound simula alas-10 ng gabi Biyernes hanggang alas-5 ng umaga ng Sabado, partikular sa mga sumusunod:

• Sa harap ng Mossaico
• Sa harap ng Solace Spa
• Sa harap ng Wilcon Depot
• Sa harap ng Hyundai Service Center

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.