Sepulturerong itinuro sa paggahasa sa 15 anyos, arestado

ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2017 09:54 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Arestado ang isang sepulturero na itinuturong nanggahasa sa isang 15 anyos na dalagita sa loob ng Manila North Cemetery. 

Kinilala ang suspek bilang si Wilson Ocampo, na hinuli sa bisa ng isang warrant of arrest sa kasong rape na isinimpa noong Oktubre 2016.

Inaresto si Ocampo habang nagpapalitada ng nitso.

Wala nang nagawa ang suspek nang posasan at palibutan ng mga pulis.

Ayon sa ina ng biktima, natutulog sa loob ng tinitirhan nilang mawsoleo ang anak nang hatakin ng suspek at halayin sa isang palikuran sa loob ng sementeryo.

Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang.

Iginiit ng ina na itutuloy nito ang kaso laban kay Ocampo.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.