Romblon, idineklarang 'drug-free' ng PDEA

ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2017 01:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Idineklara na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bilang "drug-cleared province" ang Romblon.

Ginawa ni PDEA Deputy Director for Operations Raul Lasala ang deklarasyon matapos dumaan sa masusing validation o pagpapatunay ang lalawigan.

Ang Romblon ang ikalawang lalawigang itinuturing na malaya mula sa ilegal na droga kasunod ng Batanes.

Sa ilalim ng Oplan Double Barrel, nakapagsagawa ang Romblon police ng 35 operasyon sa lalawigan, ayon sa datos ng Police Regional Office MIMAROPA. 

Nasa 47 suspek ang nahuli, kabilang ang 13 na tinaguriang "high-value targets."

Nakumpiska din ng Romblon police ang halos 190 gramo ng shabu at 55 gramo ng marijuana.

-- Ulat ni Noel Alamar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.