5 kaso isasampa sa negosyanteng umararo sa 3 sasakyan sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2017 09:07 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Mahaharap sa limang kaso ang negosyanteng nagmamaneho ng SUV na bumangga at umararo sa tatlong sasakyan sa Commonwealth Avenue nitong Martes ng gabi.

Nag-viral sa Facebook ang video ni Crisdale Pasion kung saan makikitang inararo ng sasakyan ng suspek na si Niño San Gabriel ang isang UV Express at isang motorsiklo. 

Ginitgit din ni San Gabriel ang kotse ng isang rumespondeng volunteer.

Ayon sa Quezon City Polic District (QCPD), sasampahan nila si San Gabriel ng mga kasong:

  • Resistance and Disobedience to Agents in Authority
  • Grave Threat
  • Illegal Possession of Firearms
  • Paglabag sa Anti-Drunk Driving Act 
  • Reckless Driving Resulting in Multiple Damage to Properties

Posible ring matanggalan ng lisensiya ang suspek, depende sa resulta ng imbestigasyon. 

Nakiusap naman si QCPD director Chief Supt. Guillermo Eleazar sa publiko na huwag magmaneho nang lasing para makaiwas sa aksidente. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.