Sinuspinde ang face-to-face classes sa buong lalawigan ng Pampanga ngayong Miyerkoles, Nobyembre 22 kaugnay ng umiiral na transport strike.
Sa bisa ng Executive Order No. 39-2023, sinuspende ni acting Governor Lilia Pineda ang pasok ng mga estudyante sa lahat ng antas sa pribado at pampubliko para maiwasang maabala o maapektuhan ang mga mag-aaral sa umiiral na transport strike.
Inirekomenda na rin ni Pineda sa Department of Education at Commission on Higher Education na mag-online at modular learning muna para tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay kaalaman sa mga bata.
Nauna na ring nagsuspende ang probinsya ng pasok ng mga estudyante nitong Lunes dahil sa isinasagawang nationwide transport strike ng Piston.
Ngayong Miyerkoles, sumali na rin ang grupong MANIBELA sa tigil pasada. Layon nito na iprotesta ang PUV Modernization Program ng pamahalaan na sinasabing makakaapekto sa kabuhayan ng mga public utility drivers.
- ulat ni Gracie Rutao
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.