PatrolPH

P12 milyong halaga ng 'shabu' nasabat sa buy-bust ops sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2022 01:15 PM

Watch more News on iWantTFC

Aabot sa higit P12 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Cebu City, sabi ngayong Martes ng mga awtoridad.

Unang nasamsam ang nasa P136,000 halaga ng hinihinalang shabu sa operasyon sa Barangay T. Padilla, kung saan inaresto ang isang alyas "Melmel" na kabilang umano sa drug watchlist ng pulisya.

Ayon sa pulisya, may mga kinakaharap na kaso ang suspek, gaya ng murder, frustrated murder at theft.

Nakuha rin umano sa suspek ang isang revolver at live ammunition.

Nakumpiska naman umano ang nasa P12.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa hiwalay na operasyon sa Barangay Inayawan.

Timbog ang 2 lalaki, na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

— Ulat ni Annie Perez

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.