PatrolPH

2 patay sa serye ng pamamaril sa Cotabato City

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2022 01:59 PM

Watch more News on iWantTFC

Dalawa ang kumpirmadong patay sa 3 magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Cotabato City nitong gabi ng Lunes.

Nangyari ang unang pamamaril sa Don Rufino Alonzo Street, kung saan patay ang biktima.

Sinundan ito ng ikalawang pamamaril sa Sinsuat Avenue, na umano'y magkasintahan ang target. Sa parehong kalsada nangyari ang ikatlong insidente, kung saan binaril ang driver ng isang saskayan.

Sugatan ang biktimang si Rahib Payapat, political affairs officer ng Bangsamoro Transition Authority.

Agad namang nakaresponde ang mga pulis at nabaril ang 2 suspek na sakay ng motorsiklo, kung saan isa'y namatay sa ospital.

Nananatili naman sa ospital ngayon ang isa pang salarin.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sunod-sunod na pamamaril.

Ayon kay Mayor Bruce Matabalao, posibleng ang 2 suspek ang responsable rin sa ikalawang insidente.

Itinanggi ng alkalde na may shooting spree sa lungsod at tiniyak na magpapatupad ng mas mahigpit na seguridad.

— Ulat ni Chrislen Bulosan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.