PatrolPH

Lalaki timbog matapos mang-hostage ng bata sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2021 07:32 PM

MAYNILA - Tiklo ang isang na lalaki matapos niyang pasukin ang isang bahay at gawing hostage ang isang menor de edad sa Antipolo City nitong Lunes.

Sa video na kuha ng kamag-anak ng biktima, makikitang tinutukan ng 43-anyos na suspek ng itak ang bata. 

Huminahon din kalaunan ang hostage-taker atsaka siya dinisarmahan ng mga awtoridad.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.

— Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.