PatrolPH

Kotse, van nahulog sa ginagawang tulay sa Tanza, Cavite; 1 patay

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2021 09:14 AM

Watch more on iWantTFC

Nahulog ang dalawang sasakyan sa ginagawang Obispo Bridge sa 2 magkahiwalay na insidente sa Tanza, Cavite.

Unang nahulog ang isang kotse sa hukay sa ginagawang tulay Linggo ng gabi. Ayon sa mga testigo, mabilis ang takbo ng kotse na bumangga sa mga concrete barrier bago nahulog sa hukay. 

Sa pangalawang insidente, nahulog naman ang isang puting van sa parehong lokasyon Lunes ng madaling araw. Ayon sa ulat, isa sa mga pasahero ng puting van ang patay sa insidente. 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.