Duterte ininspeksyon ang ilang airport, seaport projects sa General Santos

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2021 09:21 PM | Updated as of Nov 23 2021 03:43 AM

Watch more on iWantTFC

Lumipad si Pangulong Rodrigo Duterte sa General Santos City ngayong Lunes para mag-inspeksyon sa ilang seaport at airport projects sa lungsod. 

Pagdating sa General Santos City, inikot ni Duterte ang seaport para tingnan ang ilang renovation at ang ipinatutupad na kasalukuyang sistema. 

Nilibot din niya ang niya ang passenger terminal building ng paliparan sa lungsod kasama si Transportation Secretary Arthur Tugade.

Natapos ang rehabilitasyon at pagpapalawak ng passenger terminal building noong Setyembre. Nagkakahalaga ng mahigit P434 milyon ang proyekto. 

Nitong Oktubre naman natapos ang higit P23-milyon na construction ng CAAP administration building. 

May binili rin ang administrasyong Duterte na nasa P107 milyon na navigational aid equipment ng airport na na-install nitong Hulyo. Na-renovate din ng CAAP ang floor tiles ng airport at napinturahan ang mga dingding at ceiling ng passenger terminal building. 

Pinakitaan naman si Pangulo ng demonstration sa isang contactless check-in kiok sa naturang paliparan.

Napalawak din ang airport sa 12,240 square meters mula sa dating 4,029 square meters lamang.

Kabilang naman sa mga ongoing na proyekto pa ang construction ng perimeter road at fence na posibleng matapos ngayong Dec. 2, 2021 at ang upgrade sa Gensan Aiport's power system na inaasahang matatapos sa Pebrero 2022.
 
Ayon sa CAAP, dahil sa development projects sa airport, inaasahang kaya nang mag-accommodate ang GenSan city airport ng nasa 2 milyong pasahero kada taon mula sa dating 800,000. 

"The initiative comes at a crucial time when General Santos City takes on the role as the gateway to Soccsksargen and the rest of Mindanao. Its completion will greatly boost our interconnectivity and revive the agro-industrial and eco tourism prospects of southern Mindanao," sabi ng Panuglo sa kaniyang talumpati sa GenSan aiport. 

Samantala, inanunsyo naman ni Transportation Sec. Arthur Tugade na magkakaroon na ng international link ang Gensan airport sa Malaysia.
 
"PAL announced that they will start their internatioal operation Gensan- Kuala Lumpur-Gensan. Napakagandang pangitain ito. Ito ho ang nagpapakita na ng international airline business ay kinikilala ang mga pagbabago na iniintroduce ng CAAP sa paliparan na ito," sabi ng kalihim. 

"I am excited to see the outcome, the world-class airport in revitalizing the economy in the region to the improved accessibility and mobility of goods and people," sabi naman ng Pangulo. 

Tiniyak niya na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang mga proyekto na makatutulong aniya sa pagbangyon ng ekonomiya ng bansa. 

"Despite the challenges posed by COVID-19, our government is steadfast in its commitment to provide better lives of our citizens by completing our projects effectively and on time," ani Duterte. 

— Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News