Kalsada sa Muntinlupa na binagsakan ng steel girder, binuksan na

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2020 09:44 AM

Photos from Norbertrey Dela Cerna

Maari ng daanan ng mga motorista ngayong Linggo ang East Service Road sa Barangay Cupang, Muntinlupa matapos ang aksidente sa lugar Sabado ng umaga. 

Magdamag na isinagawa ang clearing operation. Wala na ang steel girder na bumagsak, at natanggal na rin ang mga natamaan na mga sasakyan.

Inaayos na lang ang mga poste ng kuryente na naapektuhan sa insidente. Meron pa kasing mga kawad ng kuryente na kailangan rin kumpunihin. 

Kaya nagpatupad ng stop-and-go scheme sa lugar dahil isang kalsada lang ang madaanan Linggo ng madaling araw. 

Bumagsak ang isang steel girder mula sa ginagawang Skyway extension project at nahulog ito sa ilang mga sasakyan at motorsiklo. 

Isa ang patay sa insidente.

Nangako ang pamunuan ng Skyway na imbestigahan ang pangyayari at tutulungan ang mga biktima.

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.