2 taniman ng marijuana nadiskubre sa Benguet

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2020 11:56 AM

Nahanap ng mga awtoridad ang 2 plantation site ng marijuana sa bayan ng Bakun, Benguet noong Nobyembre 21, 2020. Contributed photo

Nadiskubre ng mga awtoridad gabi ng Sabado ang 2 plantation site ng marijuana sa bayan ng Bakun, Benguet.

Sinalakay ng mga tauhan ng Bakuna Municipal Police Station ang 2 marijuana farm sa Sitio Lepsik at Sitio Mabilig, na parehong nasa Barangay Kayapa, ayon sa ulat ng pulisya.

Binunot at sinunog ng mga operatiba ang nasa 1,160 tanim na marijuana na tinatayang nagkakahalagang P232,000.

Samantala, aabot naman sa P6.8 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa drug operation sa Wao, Lanao del Sur.

Naaresto sa operasyon sa Barangay West Kilikili, Wao ang mag-asawang suspek, na nakuhanan ng isang kilo ng shabu, ayon sa pulisya.

Pinuri naman ni Philippine National Police chief Debold Sinas ang 2 operasyon.

Magugunitang isa umano sa mga unang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sinas noong bagong talaga ito bilang PNP chief ay ang pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.