LTO nagsagawa ng one-time big-time ops laban sa traffic violators

Johnson Manabat, ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2019 09:11 AM | Updated as of Nov 22 2019 09:44 AM

MAYNILA - Magsasagawa ng one time big time crackdown ang Land Transportation Office (LTO) sa mga traffic violator partikular sa mga overloading at overspeeding na mga sasakyan, Biyernes.

Makakatulong ng LTO sa gagawing crackdown ang Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon sa LTO, layun ng one time crackdown na maiwasan ang aksidente sa kalye at pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahigpit na pagpapatupad ng mga batas trapiko.

Bukod sa Metro Manila, magsasagawa rin ng crackdown ang LTO at iba pang ahensiya ng gubyerno sa mga traffic violators sa buong bansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.