ALAMIN: Mga saradong daan, alternatibong ruta sa SEA Games

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2019 05:25 PM | Updated as of Nov 22 2019 08:59 PM

MAYNILA - Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority na isasara ang ilang kalsada sa Kamaynilaan sa Southeast Asian Games, na magsisimula sa Nobyembre 30. 

Narito ang mga isasarang lugar, simula alas-12:01 ng umaga ng Nobyembre 30. 

  • Sa kahabaan ng Adriatico - mula Pres Quirino hanggang P. Ocampo (parehong direksyon)
  • Sa kahabaan ng P. Ocampo – mula Taft Ave. hanggang Adriatico (westbound direction)

Magkakaroon din ng rerouting ang MMDA sa mga sumusunod na lugar: 

Galing Taft Ave: 

  • Kung papuntang westbound lane ng Pres. Quirino Ave at nais lumiko ng Adriatico St., maaaring dumiretso sa Roxas Boulevard o Mabini St. 
  • Kung nais namang dumaan ng westbound lane ng P. Ocampo, maaaring dumaan sa Menlo St. at Donada papunta sa destinasyon.

Galing Roxas o FB Harrison: 

  • Kung gumagamit ng eastbound lane ng P. Ocampo at nais dumaan sa Adriatico St., dapat na dumiretso sa Taft Ave patungo sa destinasyon.
  • Kung dadaan naman sa Pres. Quirino at nais dumaan sa Adriatico St., dapat dumiretso sa patungong destinasyon.

Nag-abiso na rin ang MMDA na inaasahan ang delay sa mga lugar papunta sa ilang venue sa Metro Manila gaya ng: 

  • Rizal Memorial Sports Complex
  • Cuneta Astrodome
  • SM Mall of Asia (MOA) Arena
  • SM MOA Skating Rink
  • World Trade Center
  • Philippine International Convention Center Forum
  • SM Megamall
  • Filoil Flying V Centre
  • Filinvest City
  • University of the Philippines (UP) Diliman Gym
  • Marine Corps
  • Muntinlupa Sports Complex
  • Starmall EDSA
  • Makati Coliseum
  • Manila Hotel tent
  • SM Megamall Ice Rink
  • World Trade Center
  • Philsports Arena
  • Amoranto Sports Complex
  • Manila Polo Club

Inaasahan din ang mabigat na trapiko sa ilang lugar na pagdarausan ng sporting events sa Clark, Subic, at Southern Luzon. 

Nagpaalala rin ang MMDA sa mga motorista na sundan ang stop and go scheme sa pag-andar ng SEA Games, na magtatagal hanggang Disyembre 11. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
2019 SEA Games