MAYNILA — Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking at repair sa iba't ibang bahagi ng Kamaynilaan simula alas-11 ng gabi Biyernes, Nobyembre 22.
Magtatagal ang pagkukumpuni hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Nobyembre 25.
Narito ang mga apektadong lugar:
EDSA
- Southbound papalapit ng P. Tuazon Flyover hanggang sa papalapit ng Boni Serrano Flyover, katabi ng riles
- Northbound paglagpas ng Aurora Boulevard hanggang New York Street, ikatlong lane mula sa sidewalk
C-5/ KATIPUNAN AVENUE
- Northbound paglagpas ng C. P. Garcia, ikatlong lane mula sa center island
A. BONIFACIO AVE.
- Southbound sa pagitan ng 11th Avenue hanggang J. Manuel Street, ikalawang lane mula sa sidewalk
GENERAL LUIS STREET
- Westbound mula sa Rebisco Road hanggang SB Diversion Road
ELLIPTICAL ROAD
- Eastbound paglagpas ng Maharlika Street, ikatlong lane mula sa outer sidewalk
G. ARANETA AVENUE
- Southbound mula Bayanin Road intersection
Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan na muna ang mga nabanggit na kalsada.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.