3 'bigating' drug pusher timbog sa Cubao

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2019 05:01 PM | Updated as of Nov 22 2019 06:54 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Timbog noong Huwebes ng gabi sa Cubao ang 3 high-value target na dawit umano sa kalakaran ng droga. 

Bulto-bultong shabu na may halagang P1.3 milyon ang nasabat ng Quezon City Police District (QCPD) drug enforcement unit mula sa mga suspek.

Ayon kay Police Capt. Jose Mari Jasmin, hepe ng QCPD-DEU, mga "bigating" drug personality ang 3 mula pa sa Cavite. 

"Under surveillance [sila] for two weeks na... This is a product of intel-driven operation," ani Jasmin.

Isa sa mga suspek ay isang 19 na taong gulang na estudyante.

Pinaniniwalaang bahagi sila ng mas malaking sindikato, na estudyante karamihan ang target na kostumer.

Kulong ang 3 habang inihahanda pa ang mga isasampang kaso laban sa kanila. 


--Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.