Suspek sa pagpatay, arestado matapos magtago sa Laguna Lake

Kevin Dinglasan, ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2018 12:27 AM

Hawak na ng pulisya ang suspek sa pananaksak at pagpatay sa isang babae sa Los Baños, Laguna matapos magtago sa Laguna Lake nang halos dalawang araw.

Kinilala ang suspek na si Joselita Dulhao, 20 taong gulang na dati umanong kinakasama ng biktima.

Ayon sa pulisya, Lunes ng hapon ng pagsasaksakin ng suspek ang biktimang si Gissel Dumlao, 35 taong gulang.

Agad tumakas papunta sa lawa si Dulhao at nagkubli sa mga water hyacinth.

Naaresto nitong Miyerkoles ng umaga ang suspek matapos umahon mula sa lawa at sumuko sa mga awtoridad.

Inamin ng suspek ang krimen at iginiit na selos ang dahilan sa pagpatay.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Los Baños Police si Dulhao na nahaharap sa kasong murder.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.