3 miyembro ng gun-for-hire group patay sa engkuwentro sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2018 10:31 AM | Updated as of Nov 22 2018 08:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Patay sa engkuwentro ang 3 hinihinalang miyembro ng gun-for-hire group sa bayan ng Taysan sa Batangas, Huwebes ng umaga.

Ayon sa mga awtoridad, sakay ng isang van ang mga suspek at may target umano sa lugar nang makabarilan ng mga pulis sa Barangay Bilogo.

Dead on the spot ang mga hindi pa nakikilalang suspek habang paparating na sa lugar ng engkuwentro si Supt. Edward Carranza, hepe ng Calabarzon police, para sa pagsisiyasat.

--ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.