Sasakyan tumaob sa Sarangani; 6 sugatan

Giesaril Chai Tabunaway, ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2017 07:27 PM

Tumaob ang isang sasakyan matapos sumalpok sa isang motorsiklo sa Sarangani, Miyerkoles ng umaga.

Anim ang sugatan sa salpukan ng isang sasakyan at motorsiklo sa Alabel, Sarangani nitong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, galing ang kotse sa General Santos City patungong Glan, Sarangani.

Sinubukan umanong mag-overtake ng kotse sa motor pero nabundol nito ang motorsiklo.

Nadamay din ang dalawang motorsiklong nakaparada lang sa lugar.
Dagdag ng pulisya, nakainom daw ang driver ng kotse.

Nakalabas na mula sa ospital ang mga nasugatan.

Nagpaalala ang mga awtoridad na huwag magmaneho kapag nakainom.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.