Motorcycle shop sa Caloocan, nasunog

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2017 05:25 AM

Tinupok ng apoy ang isang motorcycle shop sa 10th Ave., Caloocan City Martes ng gabi.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, wiring ng CCTV ang tinutukoy na sanhi ng sunog.

"Possible short circuit. Nagmula sa ceiling at backdoor ang apoy," ayon kay FO1 Zoren Cabagay, fire investigator ng BFP Caloocan City.

Kwento ng may-ari sa imbestigador, pinatay naman daw nila ang computer sa loob ng tindahan.

Umabot lang sa first alarm ang sunog na tumagal ng halos isang oras bago maapula.

Natupok ang mga paninda kabilang na ang mga gulong at mga goma.

Wala namang nasaktan sa insidente at hindi rin nadamay ang mga katabing tindahan.

Iniimbestigahan pa ngayon kung magkano ang inabot na damage ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.