Bangkay ng lalaking tadtad ng saksak, natagpuan sa La Union

Teomar Bautista, ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2017 03:42 AM | Updated as of Nov 22 2017 05:23 PM

Nakilala na ang isang lalaking natagpuang patay at tadtad ng saksak sa Barangay Lioac Norte, bayan ng Naguilian, La Union, Martes ng umaga.

Nagtamo ng 24 na saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Robert Lagasca, 33, isang magsasaka at taga Barangay Gusing Norte sa Naguilian.

Ayon sa asawa ng biktima, nagpaalam lamang si Lagasca na pupuntang Baguio City Martes ng umaga.

Ayon kay barangay captain Efren Pontanes, nakita niya ang bangkay ni Lagasca na nakahandusay sa daan katabi ang isang nakaparadang motorsiklo pasado alas-6 ng umaga.

Bukas umano ang compartment ng motorsiklo kung saan may gamit pangbabae, dagdag ni Pontanes.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.