3 pulis sugatan sa pananambang ng hinihinalang NPA

Nony Basco, ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2017 01:39 PM | Updated as of Nov 22 2017 06:11 PM

Tatlong pulis ang sugatan matapos pagbabarilin ang kanilang sasakyan at pasabugan pa ng improvised explosive device ng hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA), Miyerkoles ng umaga sa Antique.

Ayon sa 61st Infantry Battalion ng Philippine Army, nagsasagawa ng security patrol ang mga kasapi ng Sibalom Municipal Police Station nang tambangan sila ng 'di pa mabilang na mga rebeldeng NPA sa Barangay Bontol.

Nananatili sa ospital sina PO3 Gabby Orantes at PO3 Salvador Cordero, habang na-discharge na si PO3 Michael Alejo.

Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan si Orantes, habang tama ng shrapnels sa kamay ang tinamo nina Alejo at Cordero.

Nauna nang ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte and usapang pangkapayapaan ng gobyerno at mga rebeldeng komunista dahil umano sa patuloy na pag-atake ng NPA. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.