PatrolPH

2 SAF trainees patay, 4 na iba pa sugatan sa engkwentro vs umano’y NPA sa N. Samar

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2021 01:28 PM

Patay ang dalawang Special Action Force (SAF) trainees sa engkwentro laban sa mga umano'y miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Gamay, Northern Samar, ayon sa mga awtoridad, Sabado ng umaga.

Batay sa ulat ng Police Regional Office 8, may apat ring sugatan matapos ang sagupaang nangyari sa sa Barangay Lunoy.

Napag-alamang ang mga biktima ay sumasailalim sa Special Action Force Commando Course (SAFCC) para maging kasapi ng Philippine National Police (PNP)-SAF.

Hindi pa pinangalanan ng mga awtoridad ang mga biktima.

Ang mga napatay ay mga Patrolman, habang ang mga sugatan ay Police Lieutenants at nadala na sa ospital para gamutin.

Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang mga naka-engkwentrong rebelde.

Gumamit na rin ng air assets ang mga pulis para sa pagtugis sa mga rebelde.

—ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.