Komite sa Senado naglaan ng P200-M para sa 2021 hybrid Bar exams

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2020 04:33 AM

MAYNILA - Naglaan ang Senate Committee on Finance sa Korte Suprema ng P200 milyon na budget para sa hybrid Bar exams sa 2021.

Inanunsiyo ito ni Sen. Sonny Angara, chairman ng naturang komite, nang talakayin ng Senado ang panukalang budget ng hudikatura para sa susunod na taon na nasa P44.5 billion.

Ngayong taon, ipinagpaliban ang Bar exams dahil sa COVID-19 pandemic.

Matatandaan na minsang sinabi ni Chief Justice Diosdado Peralta na ikino-konsidera ng Korte Suprema ang online bar exams sa 2021 bilang pag-iingat laban sa pandemya.

Sinabi ng Korte Suprema na sa ngayon, may isang korte para sa 30,000 na populasyon. Malayo pa sa ideal ratio na isang korte para sa 10,000 populasyon.

Para makatulong, sinabi ni Angara na nahanapan nila ng P245 million na pondo ang pagkuha ng 100 judges na tutulong sa mga korte na tambak na ang hawak na kaso.--Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.