Sunog sumiklab sa pagawaan ng pansit sa QC

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2019 05:20 AM

MAYNILA—Sumiklab ang sunog sa isang pagawaan ng pansit sa Barangay Balon Bato, Quezon City Huwebes ng madaling-araw.

Nagsimula ang apoy alas-3 ng madaling-araw at mabilis na iniakyat sa ikalawang alarma, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Nag-umpisa ang sunog sa likurang bahagi ng gusali kung saang may pugon, base sa inisyal na imbestigasyon.

Mabilis na lumaki ang apoy matapos umabot ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali na gawa sa kahoy.

Wala namang nasugatan sa insidente habang tinatayang nasa P30,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.