4 timbog sa droga sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2019 04:03 AM

MAYNILA—Arestado ang 4 katao, kabilang ang isang menor de edad na estudyante, sa magkasunod na buy-bust operation sa Makati City nitong Miyerkoles.

Unang nagsagawa ng buy-bust sa Barangay Comembo kung saan 3 lalaki ang naaresto, kabilang ang menor de edad na estudyante.

Nasamsam mula sa grupo ang 8 sachet ng hinihinalang marijuana na may street value na P11,000 at drug paraphernalia.

Isang construction worker naman ang naaresto sa isa pang buy-bust sa Mockingbird St. sa Barangay Rizal.

Isang libong pisong halaga ng marijuana ang nasabat sa suspek na nagbebenta umano sa mga kasamahan sa trabaho.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.