3 arestado sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2019 05:17 AM

MAYNILA—Isang buwan pa lang mula nang makalaya sa kulungan, arestado muli ang isang lalaki sa buy-bust operation sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City.

Ayon kay Police Capt. Marc Henry Gonzales ng Cubao Police Station, dati nang nakulong ang suspek na si alyas Ambet dahil sa kasong homicide.

Nabilhan ng P500 halaga ng shabu si Ambet, kasama ang 2 niyang kasabwat na lalaki. Nasamsam sa kanila ang 10 sachet ng hinihinalang shabu. 

Itinanggi ng mga suspek na kanila ang mga nakumpiskang shabu pero aminado silang gumagamit sila ng ilegal na droga.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.