Malabon may P200,000 pabuya para madakip ang pumatay sa isang kagawad

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2018 04:51 PM


MANILA - Magbibigay ng P200,000 na pabuya si Malabon Mayor Len Len Oreta sa sinumang makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga bumaril sa isang kagawad sa lungsod kamakailan.

Limang armadong lalaki umano ang tumungo sa tambayan ng biktimang si Rodrigo Tambo, Martes at saka pinagbabaril ang kagawad.

Layunin ng reward na ito na mas mapabilis ang paghahanap sa mga salarin, sabi ni Bong Padua, public information officer ng Malabon City.

Hindi pa rin natutukoy ng mga pulis ang posibleng motibo sa pamamaslang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.